Road mishap: 2 studes dedo, 7 sugatan

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mira Atillo at Irish Rabina habang ginagamot sa magkakahiwalay na ospital ang kanilang mga kaklase na sina AJ Nogas; Abdelasis Jubail, Chrizhel Lagutin Dacanay, Robert Alvarez Greg; Karen Lee Castillo, Shariff Gadsali Usman, at Merhanisa Kahal Andih, lahat ay 18-anyos.
File

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Patay ang dalawang magkaklase na kapwa 18-anyos ha­bang sugatan naman ang pitong kasamahan makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyang pickup truck sa Sitio Lantawan, Brgy. Pasonanca, Zamboanga City, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mira Atillo at Irish Rabina habang ginagamot sa magkakahiwalay na ospital ang kanilang mga kaklase na sina AJ Nogas; Abdelasis Jubail, Chrizhel Lagutin Dacanay, Robert Alvarez Greg; Karen Lee Castillo, Shariff Gadsali Usman, at Merhanisa Kahal Andih, lahat ay 18-anyos.

Ayon kay Chief Insp. Arlan Delumpines, hepe ng Police Station 7, pauwi na ang mga biktima matapos mamasyal nang mangyari ang aksidente sa Sitio Lantawan. Nawalan umano ng preno ang sasak­yan habang pababa ito sa matarik na gilid ng bundok dahilan para dumausdos at bumangga sa isang nakaparadang motorsiklo. Dumiretso ito sa paanan ng isang gulod at bumaligtad ng 4 na beses.

Batay sa ulat, nadaganan umano ang dalawa at isinugod sila sa ospital pero binawian ng buhay. Muntikan na ring mahulog sa isang malalim na bangin ang mga biktima.   

Show comments