Lovers tiklo sa P1.8-M shabu

Makaraan ang ilang araw na pagmamanman, bumagsak din sa kamay ng Dasmariñas Police ang mga suspek na sina Boy Jun Norcio, 22-anyos, residente ng Brgy. Mangas 2, sa bayan ng Alfonso, at Mikee Lavado, 20, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.
File Photo

MANILA, Philippines — Sa selda na ipagpapatuloy ng isang magkasintahan ang kanilang matamis na pagmamahalan matapos silang makumpiskasan ng mga otoridad ng nasa P1.8-milyong halaga ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Makaraan ang ilang araw na pagmamanman, bumagsak din sa kamay ng Dasmariñas Police ang mga suspek na sina Boy Jun Norcio, 22-anyos, residente ng Brgy. Mangas 2, sa bayan ng Alfonso, at Mikee Lavado, 20, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Dakong alas-5:30 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust laban sa mga suspek kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa mga suspek na habang nagpapalitan na ng droga at buy-bust money ay dito na agad inaresto ang dalawa.

Nakuha mula sa kanila ang tinatayang may street value na P1.8-milyon na shabu na nakalagay sa 4 na icebag na ire-repack pa lang at 2 maliit na plastic sachet at P5,000 marked money.

Show comments