^

Probinsiya

‘Tulak’ pumalag, tigbak sa parak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� pumalag, tigbak sa parak
Ang nakabulagtang suspek matapos mapatay ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Brgy. Capipisa Tanza Cavite kahapon ng madaling araw. Napag-alaman na kilala ang suspek na bigtime ‘tulak’ sa kanilang lugar at kasama ito sa talaan ng drug watchlist ng Tanza PNP.
Kuha ni Cristina Timbang

TANZA, Cavite, Philippines — Bulagta ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu nang manlaban umano sa mga ala­gad ng batas sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Capipisa, sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang suspek na nasa drug watchlist ng pulisya na si Joseph Orantia, nasa hustong gulang, residente ng naturang barangay.  Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.

Sa kalagitnaan ng transaksyon ay biglang nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal dahilan upang bumunot ng armas at putukan ang mga pulis na agad namang nakaganti na nagresulta sa pagkakapatay sa suspek.  Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 baril, 15 sachet ng shabu at P200.00 marked money.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with