Peter Co
Ex-driver ni Peter Co utas sa ambush
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki ang inmate at dating driver ng convicted drug lord na si Peter Co habang patungo sa Regional Trial Court (RTC) ng Batangas City kahapon.

Sa ulat ni Chief Supt. Edward Carranza, director ng Police Regional Office (PRO) V, kinilala ang nasawing preso na si Elvis Areglo na may kinakaharap na kaso sa illegal drug trade.

Sa ulat, bandang alas-8 ng umaga habang ineeskortan ng mga jailguards ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa Batangas Provincial Jail patungo sa Regional Trial Court para dumalo sa hearing ng kanyang kaso nang mangyari ang pananambang.

Nabatid na kasaluku­yang lulan ng BJMP ser­vice vehicle si Areglo kasama ang kanyang mga eskort nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Si Areglo ay may ka­samang limang detainees nang mangyari ang insidente pero siya lamang ang pinuntirya ng pamamaril ng mga salarin.

Sa tala, si Areglo ay supplier umano ng shabu sa Batangas at isa sa mga lider ng mga detainees sa piitan.

Noong 2006, nasakote si Areglo kasama ang dalawa pang drug pushers matapos na magbiyahe ng mga kemikal sa Lipa City, Batangas

Magugunita na ang amo ni Areglo na si Peter Co o kilala rin sa panga­lang Wu Tuan Yuan ay nasentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo noong 2001 dahil sa pagbebenta ng illegal drugs.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with