La­king gulat nila nang makitang wala sa kanyang higaan ang sanggol at nanlumo nang makitang lumulutang na ang bata sa kanilang bakuran.
8-buwang sanggol lunod sa baha
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 8-buwang sanggol na babae makaraang malunod sa baha sa bakuran ng kanilang tahanan sanhi ng malalakas na pag-ulan na dulot ng superbagyong Ompong sa Pioduran, Albay nitong Biyernes ng umaga. Ang nasawing bata ay si Crissa Joy De Castro ng Brgy. 1, Pioduran. Sa ulat,  bandang alas-5 ng umaga nang madiskubre ng mga magulang ng biktima na rumagasa ang tubig baha sa kanilang lugar kung saan baha ang paligid ng kanilang tahanan.

La­king gulat nila nang makitang wala sa kanyang higaan ang sanggol at nanlumo nang makitang lumulutang na ang bata sa kanilang bakuran. Hindi umano namalayan ng mag-asawa na rumagasa ang baha sa kanilang lugar dahilan sa kasarapan ng kanilang tulog. Naisugod pa ang sanggol sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival. (with trainee Hermie Rivera)

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with