^

Probinsiya

7 drug traders tiklo sa hotel

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
7 drug traders tiklo sa hotel
Ayon kay Quezon Police director P/Sr. Supt. Osmondo de Guzman, nakatanggap ng impormasyon ang tropa ni P/Chief Insp. Francisco Panisan kaugnay sa mga kahina-hinalang suspek na naka-check in sa Palay-isdaan Hotel.
File Photo

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Aabot sa P188,219 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Pagbilao Drug Enforcement Unit sa naares­tong pitong drug traders na pinaniniwalaang kabilang sa malaking sindikato sa isinagawang drug operation kahapon ng umaga sa isang hotel sa Brgy. Aluapaye, Pagbilao, Quezon.

Ayon kay Quezon Police director P/Sr. Supt. Osmondo de Guzman, nakatanggap ng impormasyon ang tropa ni P/Chief Insp. Francisco Panisan kaugnay sa mga kahina-hinalang suspek na naka-check in sa Palay-isdaan Hotel.

Nang makumpirmang mga illegal drug traders ang mga suspek, agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nasakote sa loob ng hotel sina Joseph Puche, 34; Rexon Balingasa, 37; kapwa ng Biñan, Laguna; Jonathan Oga, 32; Aidin Guiali, 21; kapwa ng Upper Bicutan, Taguig City; Cristy Ann Salamangue, 31;  Rehya Oga, 22; kapwa ng Biñan, Laguna at Sarah Alag, 32, ng Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang malalaking plastic sachet ng shabu na 101.74 gramo, 21 piraso ng P1,000 bill at sasakyang Hyundai Tucson (TOG-832).

vuukle comment

DRUG TRADERS TRADERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with