Mag-ama pinasok, niratrat

Sa report na nakarating kay Isabela Police Dir. S/Supt Mariano Rodriguez, lumalaklak mag-isa si Ricky Pardua nang pasukin ng dalawang killers saka niratrat dakong alas-8:00 ng gabi. Sinikap tulungan ng binatilyong si Brix Pardua,15, ang ama subalit binoga rin ito ng isa sa mga suspek.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 46-anyos na magsasaka habang malubhang nasugatan ang kanyang anak matapos silang pasukin sa loob ng kanilang bahay at ratratin ng dalawang ‘di pa nakikilalang gunmen sa Barangay San Jose Norte 1, Mallig, Isabela noong Biyernes.

Sa report na nakarating kay Isabela Police Dir. S/Supt Mariano Rodriguez, lumalaklak mag-isa si Ricky Pardua nang pasukin ng dalawang killers saka niratrat dakong alas-8:00 ng gabi. Sinikap tulungan ng binatilyong si Brix Pardua,15, ang ama subalit binoga rin ito ng isa sa mga suspek.

Isinugod ang mag-ama sa Roxas District Hospital kung saan idineklarang patay ang nakatatandang Pardua habang inilipat sa Governor Faustino Dy Sr Memorial Hospital ang binatilyo kung saan ito inoobserbahan. Ayon kay Rodriguez, wala sa drugs watchlist ang napatay na magsasaka habang patuloy na sinisiyasat ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa nangyaring krimen.

Show comments