Trike sinalpok ng SUV: 1 dedo, 1 malubha

Kinilala ni P/Chief Insp. Ferdinand Laudencia, hepe ng Bagabag Police ang mga biktima na sina Enrique Alejo, ng Brgy. Fugo, Purok 7, Jones, Isabela na nasawi sa Salubris Medical Center habang malubha naman ang kanyang kasamahan na si Fe Alejo, 51, ng nasabi ring lugar.

SANTIGAO CITY, Isabela  , Philippines  —   Isang 71-anyos na lolo ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kasamahan nito matapos salpukin ng isang SUV ang kanilang sinasakyang tricycle sa Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva VIzcaya, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ferdinand Laudencia, hepe ng Bagabag Police ang mga biktima na sina Enrique Alejo, ng Brgy. Fugo, Purok 7, Jones, Isabela na nasawi sa Salubris Medical Center habang malubha naman ang kanyang kasamahan na si Fe Alejo, 51, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Alejo ang national highway nang salpukin ng isang Toyota Fortuner (VH0033) na minamaneho naman ni Dante Garcia, 40, isang engineer ng Poblacion East, Lamut, Ifugao. Tinangka umanong mag-overtake ang SUV nang hindi napansin ang kasalubong na tricycle na sinasakyan ng mga biktima. Kusang sumuko sa mga awtoridad ang suspek matapos ang insidente.

Show comments