Ginang na ‘tulak’ arestado sa P.6-M shabu

Ang suspek na si Rowena Eugenio alyas ‘Wen’ at ang nakumpiskang droga (inset) na tumitimbang ng 100 gramo at may street value na nagkakahalaga ng P680,000.00.
Kuha ni Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Swak sa kalaboso ang isang 42-anyos na ginang matapos siyang masakote ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa isang village sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Rowena Euge­nio alyas ‘Wen’, may-asawa, ng Blk. 25, Lot 12, Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, nagpanggap na buyer ang isang police asset at bumili sa suspek na shabu na halagang P2,000.

Matapos na mapagbilhan ay dito na isinagawa ang paglusob at pag-aresto sa ginang na nakuhaan ng tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng may 100 gramo na may street value na nagkakahalaga ng P680,000.00.

Ang suspek ay kila­lang bigtime drug pusher sa nasabing lugat at sa Dasmariñas City, Cavite.

Show comments