^

Probinsiya

Ama nakipagsuntukan sa anak nahulog sa hagdan, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ama nakipagsuntukan sa anak nahulog sa hagdan, dedo
Kinilala ang nasawing matanda na si Imidio Ignacio, 63 anyos, dead on the spot matapos na pumutok ang ulo nang tumama sa semento sa gitna nang pakikipagsuntukan sa anak nitong si Bryan Ignacio, 30 anyos.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 63-anyos na ama matapos na aksidenteng mahulog sa hagdan nang makipagsuntukan sa sariling anak sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawing matanda na si Imidio Ignacio, 63 anyos, dead on the spot matapos na  pumutok ang ulo nang tumama sa semento sa gitna nang pakikipagsuntukan sa anak nitong si Bryan Ignacio, 30 anyos.

Arestado naman  ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya  ang suspek na si Bryan bunga ng nangyaring  krimen.

Sa report , sinabi ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan Police, bandang alas-9 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Ignacio sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bahagyang nakainom ang matandang lalaki kung saan nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang anak na nauwi sa suntukan. Matapos na mawalan ng panimbang, aksidenteng nahulog sa hagdan ang matanda na bagaman nagawa pang maisugod sa Norzagaray Hospital ay idineklarang dead-on-arrival dahil sa malaking sugat na tinamo sa ulo.

vuukle comment

MAN FALL DOWN DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with