Dead-on-the-spot sina Joel Lagazo at Rosalie Bolanoy na nahagip ng trak.
2 tigok sa trak
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang walong iba pa ang sugatan matapos na mawalan ng preno ang isang truck at salpukin nito ang isang vulcanizing shop sa kahabaan ng highway sa Calinan District, Davao City, nitong Huwebes.

Dead-on-the-spot sina Joel Lagazo at Rosalie Bolanoy na nahagip ng trak.

Ayon sa trabahador ng vulcanizing shop na si Delmer Madelo, bigla na lang sumalpok ang trak sa kanilang shop na ikinamatay ni Lagazo na nakatayo lang sa labas nito.

Si Bolanoy naman ay kabababa lang sa motorsiklo nang mahagip ng truck.

Nasugatan naman ang walong katao kabilang ang iba pang trabahador ng shop at ilang tambay na nasa lugar na agad namang naisugod sa pagamutan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, habang binabagtas ng truck driver na si Jameswel Sarigumba ang Magsaysay St. sa lugar ay napansin nitong hindi na gumagana ang preno ng truck dahilan upang ito’y sumalpok sa vulcanizing shop.

Nahaharap ngayon si Sarigumba sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries, at damage to property.

ACCIDENT CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with