Kagawad, 2 pa tiklo sa P6.8-M shabu

Kinilala ni PDEA-ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang mga nadakip na sina Ronnie Marohom, barangay kagawad ng Sumbagarogong Malabang, Lanao Del Sur; Samsudin Kamid at Raizuli Marohom na pawang mga residente ng Maguing, Lanao del Sur.

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang barangay kagawad sa isinagawang buy bust operation ng PDEA-ARMM, Parang Police, at Maguindanao Police sa Harap ng Petron Gas Station, sa Parang, Maguindanao, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PDEA-ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang mga nadakip na sina Ronnie Marohom, barangay kagawad ng Sumbagarogong Malabang, Lanao Del Sur; Samsudin Kamid at Raizuli Marohom na pawang mga residente ng Maguing, Lanao del Sur.  

Nakuha mula sa mga suspek ang isang kilong hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.7 milyon. Isinagawa ang operasyon pasado alas-9 ng gabi.

Show comments