Pedicab vs. motor: 1 tigok, 4 sugatan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pedicab driver habang sugatan naman ang dalawa niyang pasahero matapos na salpukin ng motorsiklo sa kahabaan ng national road ng Brgy. Sto Domingo sa bayan ng Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasawing driver na si Pedro Cayonte, residente ng Brgy. San Miguel habang sugatan ang mga pasahero nitong sina Rocelyn Tanaotanao at Ricardo Tanaotanao, ng Zone 7, Brgy. Del Rosario.

Sugatan din ang rider na si Chris John Marquez, 17-anyos at ang angkas nito na si Jerry Baylon, 23 anyos, kapwa mga residente ng Brgy. Antipolo, Minalabac.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali, magkasalubong na binabaybay ng dalawang sasakyan ang highway nang mawalan ng kontrol at gumewang ang motorsiklo at malakas na bumangga sa pedicab.

Sa lakas nang banggaan lahat ng sakay ng pedicab at motorsiklo ay tumilapon sa kalsada.

Lahat sila ay sinaklolohan at dinala sa Bicol Medical Center pero namatay habang ginagamot si Cayonte. Sa imbestigasyon, lumalabas na lasing ang rider na si Marquez at angkas na si Baylon.

MOTORSIKLO PEDICAB DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with