^

Probinsiya

12 ‘tulak’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 12 na umano’y drug pushers ang napaslang makaraang manlaban sa anti-drug operatives ng pamahalaan sa magkakahiwalay na operasyon sa North Cotabato, Bulacan at Cavite nitong Biyernes ng gabi at Sabado, ayon sa mga opisyal kahapon.

 Sa report, sinabi ni Supt. Bernard Tayong, spokesperson ng North Cotabato Police, 9 na drug pushers ang napatay matapos na mauwi sa shootout ang buy bust operation dakong alas-11:15 ng gabi nitong Biyernes na isinagawa ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato. Aniya, armado ng search warrants ay sinalakay ng secrutity forces ang drug den ng mga notoryus na tulak na sina Dadting Kasan at Intan Aban sa Sitio Biao, Brgy. Kilada, Matalam. Gayunman sa halip na sumuko ay pinaputukan nila rai­ding team na nauwi sa ba­rilan na ikinasawi nina Kasan, Aban at pito pa na ina­alam ang pagkakakilanlan.

Iniulat naman ng Bulacan Police ang pagkasawi ng dalawang drug pushers na kinilala sa mga alyas na Ambo at Clifford matapos na kumasa sa buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan nitong Sabado ng madaling araw. Ang dalawa ay kapwa supplier ng droga sa Bustos at iba pang bayan ng Bulacan.

Sa Cavite, sinabi ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar na nanlaban at napatay sa buy bust operation ang drug suspect na si Crisencio Regondola sa Stateland Hills, Henry Street, Brgy. Manggahan, General Trias City, Cavite dakong alas-11:55 ng tanghali nitong Sabado. (Roderick Beñez/Boy Cruz)

vuukle comment

DRUG PUSHERS SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with