^

Probinsiya

3 ‘tulak’ tumba, 6 timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Tatlong sinasabing notoryus na tulak ng shabu ang nasawi habang anim na iba pa ang naaresto ng pulisya matapos na isagawa ang magkakasunod na drug bust operation sa koordinasyon sa PDEA Region-3 na nagbunsod ng shooout sa magkakahiwalay na lugar dito, Lunes ng gabi at Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Michael” ng San Jose del Monte City;  Ruel Barcelona, ng Pulilan at Kervin Balagtas, 27, ng Brgy. Matimbo sa Malolos City na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. Nadakip sa operasyon sina Alnor Bangon, Julius Dela Cruz, Crispin Samson, Reynan Dela Cruz, Gina Bugay at Christopher Galvez.

Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte Police kay Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, isinagawa ang unang drug bust dakong alas-3:20 ng madaling araw sa La Poblacion, Brgy. Muzon laban kay alyas Michael na umano’y nanlaban sanhi upang mapatay sa barilan.

Bulagta rin ang suspek na si Barcelona matapos siyang kumasa sa pulisya sa buy bust operation ng Calumpit Police habang nasawi si Balagtas sa loob ng bahay nito sa Brgy. Matimbo, Malolos City matapos na magtangkang tumakas sa drug bust operation ng pulisya.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with