^

Probinsiya

Mayor ligtas, 4 utas sa ambush!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

3 pa sugatan

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay kabilang ang isang pulis at barangay chairman habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos tambangan ang sinasak­yan ni Municipal Pantao Ragat Mayor Lacson Lantod  kahapon ng umaga sa Lanao del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Barangay Captain Kalic Disamburun at isang alyas Tarapas habang dead-on-arrival sa Balao-i hospital sina PO1 Farid Macalaba at Casamuding Hasim sa Adventist Medical Hospital.

Ginagamot naman sa Mindanao Sanitarium Hos­pital, sa Iligan City sina PO1 Mangonte, Brgy Capt. Parmon Macarimbang at SB Acmad Magumnang. 

Masuwerte namang nakaligtas at hindi nasugatan si Mayor Lantod.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Provincial Regional Office 10 na dakong alas-8 ng umaga kahapon habang sakay ang alkalde at mga kasamahang biktima ng Toyota pickup hi-lux nang tambangan sila at pagbabarilin ng  mga armadong lalaki sa Brgy. Cabasagan Pantao Ragat, Lanao del Norte.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang na posibleng may kinalaman sa pulitika.

vuukle comment

MUNICIPAL PANTAO RAGAT MAYOR LACSON LANTOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with