^

Probinsiya

Nangholdap sa resort, utas sa encounter

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Bulagta ang isa sa mga suspek na nanloob umano sa isang resort sa bayan ng Alfonso na lumimas ng may P.5 milyon pera at mga ari-arian kamakalawa.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay hindi pa rin na­ki­kilala ang napatay na suspek habang nakatakas ang iba pang kasamahan nito.

Nauna rito, pinasok ng may limang armadong suspek ang Olive Tree Villa Resort sa loob ng Secret Garden sa Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite dakong alas-10:00 ng gabi.

Agad namang nag-re­port sa pulisya ang pamunuan ng resort sa pulisya na agad na nagsagawa ng follow-up at blocking operation laban sa mga suspek.

 Alas-3:00 ng mada­ling araw nang mamataan ng pulisya ang grupo ng kalalakihan na mga kahina-hinala ang kilos sa may bisinidad ng Tagaytay-Nasugbu Highway, Alfonso, Cavite at nag-match ang mga description nila sa ibinigay ng kawani ng resort. Nang sumenyas ang mga pulis sa mga suspek na dumapa pero umatras ang mga suspek at nagpaputok. Nagkaroon pa ng habulan at palitan ng mga putok at makalipas ang may ilang minutong engkuwentro ay bumulagta ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang iba. 

Narekober sa napatay na suspek ang  (1) Cal .38 revolver at mga bala.

vuukle comment

HOLD UPPER KILLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with