Dalagita pisak sa payloader

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pisak ang isang 15-anyos na dalagita matapos na gulungan ng payloader sa matrapik na highway sa Brgy. Lanao, Bangui, Ilocos Norte noong Biyernes. ?

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Shane Angela Malabi ng Brgy. Caunayan, Pagudpud. ?Lumalabas na natengga sa trapik habang angkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kuya na si Marvin Malabi, 17, ang biktima nang bigla silang atrasan ng payloader na hawak ni Robert Lorenzo, 45.?

Mabilis na nakatalon si Marvin pero minalas na magulungan ng payloader ang biktima kasama ang motorsiklo.? Isinugod ang biktima sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City  pero idineklara siyang patay. ?Inaresto naman ng pulisya ang drayber ng payloader.

 

Show comments