Matador dedo, misis sugatan sa pamamaril ng kapitbahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Bumulagta ang isang 39-anyos na matador habang sugatan ang kanyang misis matapos ratratin ng kapitbahay na ama ng isang rape victim sa Brgy. Lanna, Solana, Cagayan kamakalawa.  Sa report na nakarating kay Sr. Insp. Renz Baloran, hepe ng PNP Solana, naglalakad pauwi ang biktimang si Eduardo Calimag Jr. at misis na si Susana, 40, nang tambangan sila ni Hipolito Callueng, 44, dakong alas-6:00 ng gabi.

Agad natigok si Calimag habang sugatan ang misis nito na isinugod sa ospital ng mga sumaklolo. Tumakas si Callueng subalit kalaunan ay sumuko sa otoridad na hindi dala ang murder weapon.  Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Charles Lapada na inaakusahan ni Callueng si Calimag na siyang suspek sa panggagahasa sa anak nitong dalagita ilang taon na ang nakalipas.  Nabatid na nitong nakaraang linggo lamang nalaman ni Callueng ang sinapit ng anak kaya’t isinagawa nito ang paghihiganti matapos ipa-blotter sa pulisya ang panggagahasa sa anak.

Show comments