Rider bulagta sa tandem

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Patay ang isang rider matapos sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok 4, Brgy. San Rafael,  Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. Naisugod pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero dineklarang patay ang biktimang si Edwin Padua Odono, ng Purok 4, Brgy. Upper Binogsacan habang nakatakas naman ang gunmen patungo sa ‘di malamang direksyon.

Sa ulat ng Guinobatan Police, dakong alas-8 ng umaga, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng highway lulan ng kanyang motorsiklo nang sundan ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo. Ayon sa mga nakasaksi, bumunot ng baril ang ‘di nakilalang backrider at saka pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Odono. Sumemplang pa ang motorsiklo ng biktima sa kalsada matapos tamaan ng bala habang agad namang tumakas ang gunmen.    

Show comments