Lolo, 8-anyos na apo kinatay, sinunog

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sina­pit ng isang matandang lalaki at 8-anyos na apo nitong babae makaraang pagtatagain hanggang sa mapatay ay sinilaban pa ang mga bangkay sa loob ng kanilang bahay sa Silay City, Negros Occidental, kamakalawa.

Ang mga biktima na nakilalang sina Antonio Padua, 63,at apo nitong si Re-Ann Padua, 8 na halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog ng kanilang mga katawan.

 Sa report, sinabi ni Chief Inspector Joem Malong, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 6, bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang krimen sa Hacienda Pula, Silay City ng lalawigang ito ng isang lalaki na nagpapastol ng kalabaw na siyang nag-report sa opisyal ng barangay.

Ayon sa mga imbestigador, ang mga salarin ay ginamit pa ang saplot o damit ng mga biktima para sunugin ang kanilang mga katawan sa loob mismo ng kanilang tahanan na nagliyab at natupok din ng apoy sa insidente.

Sa pahayag naman ni Rogelia Padua, 44, noong Lunes ng gabi habang siya ay nasa trabaho sa Talisya City ay nakausap pa niya ang maglolo at binati ang apo sa kanyang kaarawan.

Nang narinig niya ang pagsigaw ng maglolo sa telepono hanggang sa naputol ang kanilang pag-uusap.

Hindi matanggap ni Rogelia na iyon na pala ang huli niyang pakikipag-usap sa maglolo na nagpapasalamat sa ibinigay niyang pera para malutuan ng ado­bong manok ang bata sa kanyang birthday.

Show comments