^

Probinsiya

Lola dedo sa gulpi ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng isang 64-anyos na lola matapos itong gulpihin hanggang mapatay ng sariling anak na umano’y sabog sa marijuana sa Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela kamakalawa. ?

Sa report na nakarating kay Chief Insp. Vicente Guzman, hepe ng PNP San Mariano, dinakip ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay si Rolando Domingo, 38 taong gulang na nakuhanan pa ng dalawang balot ng pinatuyong damo sa kanyang bulsa.

Pinaniniwalaang tinanggihan ng biktimang si Gloria Domingo na magbigay ng perang pang iskor ng droga sa suspek kaya ito nagwala saka binugbog ang ina hanggang mawalan ng ulirat.

Isinugod ng mga kaanak ang biktima sa San Mariano Community Hospital kung saan ito idineklarang patay habang nagsisisi ang suspek na anak nang mahimasmasan na ito sa kulungan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with