Magsasaka tigok sa suntok ng kaaway

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  — Nasawi ang isang 43-anyos na magsasaka matapos na suntukin ng lasing na matagal ng kaalitan nang mag-krus ang kanilang landas sa Brgy. Catorna, Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pang buhay sa Rural Health Unit ng bayan matapos mapuruhan nang suntok sa leeg ang biktimang si Sonny Delavin Don habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Jerry Cajandab, 48-anyos, ng nasabing barangay.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10 ng gabi, inimbitahan si Don sa kasayahan ng kaarawan ng kanyang kaibigang si Rico Lignes. Gayunman, kapapasok pa lang ng biktima sa bahay ng kaibigan nang salubungin siya ng isang suntok sa adam’s apple ng lasing na suspek na agad nitong ikinabagsak at ikinasawi.

Show comments