College stude di-naituloy ang pag-aaral, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na college student sa Cagayan State University dahil sa matinding problema na mahinto sa pag-aaral matapos itong magbigti gamit ang sintas ng sapatos sa kanyang boarding house sa Barangay Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City police station, nagsisigaw sa takot ang landlady ng biktimang si Rodolfo Urmanita nang madiskubre itong nakabitin sa pintuan na lawit pa ang dila dakong alas-8:30 ng umaga. ?

Narekober ng mga imbestigador ang madamda­ming suicide note ng biktima kaugnay sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Maging ang mga malapit na kaanak ng biktima ay walang nais tumulong sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral kaya nagpasya na lamang salubungin si kamatayan.

Show comments