Ex-Army inutas ng karibal

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya napatay ang 62-anyos na retiradong sundalo ng Phil. Army matapos itong pagbabarilin ng karibal sa pag-ibig sa kahabaan ng highway sa Barangay Balingasay, bayan ng Bolinao, Pangasinan kamakalawa ng umaga.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang pamamaslang sa biktimang si Marciano Cardona bandang alas-11: 20 ng umaga.

Isa sa nakasaksi sa krimen ay ang 16-anyos na lalaki kung saan namataan nito ang hindi kilalang lalaki na hawak ang baril at papalabas ng bahay ng biktima.

Samantala, sa imbestigasyon ng pulisya na karibal ng matanda sa magandang babae sa kanilang lugar ang gunman na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan dahil patuloy pa ang dragnet operations laban sa suspek.

Show comments