P.2-M reward vs Hernandez killer

NUEVA ECIJA  , Philippines  —   Nag-alok ng P.2 milyong reward si Talavera Mayor Nerivi Santos Martinez sa sinumang makapagtuturo sa riding-in-tandem gunmen na bumaril sa mag-asawang Carlito at Mary Anne Hernandez habang nagpapakarga ng gasolina sa Barangay Marcos, Talavera, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi. Napatay si Mary Anne Hernandez habang sugatang naisugod sa ospital ang kanyang mister na Carlito. Ayon sa pulisya, si Mary Anne ay sinasabing personal secretary ni Nueva Ecija Governor Cherry Umali. Samantala, nakarekober sa crime scene ang pitong basyo ng cal. 45 pistol habang bumuo na ng Task Force SITG HERNANDEZ  ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen at mastermind.

Show comments