Tumanggi sa tagay, inutas ng 4 senglot

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Pinaniniwalaang tumanggi sa tagay ang 47-anyos na mangingisda kaya napatay matapos itong pagtulungang saksakin ng mga senglot sa Purok 2, Barangay Balawing sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fernando Rapsing Sr., habang arestado ang tatlo sa apat na suspek na sina Jivy Mirasol,19; Nelson Mirasol,19;  at si Zaldy Ferdes habang pinaghahanap naman ang nakatakas na si Johnny Mirasol. Sa police report na naisumite sa Camp Simeon Ola, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang asawa nang mapadaan sa nag-iinumang mga suspek kung saan inalok itong tumagay ng alak. Gayunman, sinasabing tumanggi ang biktima kaya nairita ang mga nag-iinuman at pinagtulungan itong  saksakin.

Show comments