Magtiyuhin inutas ng NPA terrorists

QUEZON , Philippines  —  Kapwa bumulagta ang magtiyuhin makaraang pagbabarilin ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Sitio Hacienda, Barangay Inabuan sa bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Cafgu Manolito Alcantara, 48; at Randy Alcantara, 29, STL collector at kapwa nakatira sa nabanggit na lugar. Base sa ulat ng pulisya, naghahapunan ang magtiyuhin sa kanilang bahay nang pasukin ng tatlong New People’s Army (NPA) sa pamumuno ni Joseph de los Santos na may alyas Ka Bingot/Ka Ken. Hindi na nagawang tapusin ng magtiyuhin ang paghahapunan nang bistayin sila ng bala ng mga terorista saka tumakas patungo sa kagubatan. Nakarekober sa crime scene ang 12 basyo ng bala ng cal. 5.56 at apat na basyo ng bala ng cal.9mm pistol.

Show comments