Nabatid na sinusundan ng bus ang coaster van (SAA8392) sakay ang may 19 delegado nang nawalan ng preno ang bus pagsapit sa nasabing lugar. File

Bus swak sa bangin: 2 dedo, 26 kritikal
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Dalawang opisyal ng Rizal University System (RUS) ang namatay habang 26 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang bus sa malalim na bangin sa Sitio Bunga sa Barangay Nicolas, bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Elmer Decillo, 61, sports director; at Jonathan Pineda, 51, campus director ng unibersidad sa bayan ng Binangonan Rizal.

Magkakasamang lulan ng Charm Travel and Tour Bus (RNJ324) ang mga biktima kabilang ang mga student athletes at school officials patungo sa bayan ng San Jose para lumahok sa Southern Tagalog Regional Association of  State Universities and Colleges Olympics nang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan bandang alas-6:30 ng gabi.

Nabatid na sinusundan ng bus ang coaster van (SAA8392) sakay ang may 19 delegado nang nawalan ng preno ang bus pagsapit sa nasabing lugar.

Para hindi masalpok ang van ay nagdesisyon ang driver ng bus na kabigin sa kaliwa ang manibela hanggang sa mawalan ng control at diretsong bumulusok sa bangin.

Mabilis naman naisugod sa San Jose District Hospital at Westmin Hospital ang mga sugatang sakay ng bus.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with