2 tigok sa motorbike mishaps
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawa-katao ang natigok habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Cauayan City at Ilagan City sa Isabela kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Marvin Valdez sa Cauayan District Hospital habang patawirin ang kaangkas na si Dennis Isidro matapos ma-hit and run ng hindi natukoy na sasakyan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Fermin. Samantala, kapwa positibo sa alcohol ang drayber ng motorbike na si Joel Guifaya, 34; at nagmamaneho ng Mitsubishi Pajero na si Fernando Laggui, 34, nang magsalpukan ang kanilang sasakyan sa Barangay Malalam sa Ilagan City. Hindi na umabot nang buhay si Guifaya sa ospital habang sumuko sa mga pulis ang trader na si Laggui matapos ang sakuna.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with