5 Budul-budol Gang, arestado

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Limang miyembro ng Budul-Budol Gang ang inaresto ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Bone South, bayan ng Aritao ng lalawigang ito kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mario Cailan, 33, ng Pandacan, Manila; Joel Cris, 29, ng Bagong Silang, Caloocan City; Jomari Dela Cruz, 33, ng Norzagaray, Bulacan; Rochelle Morales, at si Federico Lalaic, kapwa residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon kay PO2 Leonie Ross Manangan, nagsabwatan ang mga suspek na lituhin ang kahera ng meat shop na pag-aari ni Joy Marie Niete. Nagawang makuha ng mga suspek ang P1,000 ibinayad sa tinderang si Fame Angeline Layugan.

Gayunman, nang matauhan ang tindera sa pagkalito ay nakatakas na ang mga suspek subalit maagap na naitawag ni Layugan sa pulis­ya.

Show comments