6-anyos tinusok sa leeg, todas

Ayon sa nakasaksi, nakalanghap siya ng masangsang na amoy mula sa kinaroroonan ng bangkay ng biktima na halos naaagnas na ang katawan. File

QUEZON, MANILA, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng  6-anyos na totoy matapos itong tusukin ng matulis na kahoy sa leeg saka itinapon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Taluong sa bayan ng Polilio, Quezon kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaymark Larita ng Purok 4 Ilang-ilang ng nasabing barangay at ilang araw nang nawawala.

Nadiskubre ng magko­kopra ang bangkay ng bata sa masukal na bahagi ng bundok Binoy na may ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa nakasaksi, nakalanghap siya ng masangsang na amoy mula sa kinaroroonan ng bangkay ng biktima na halos naaagnas na ang katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, natuklasang may saksak ng matulis na kahoy sa leeg ng bata.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, ilang araw ng nawawala ito at huling namataang buhay sa harapan ng simbahan at isinakay sa motorsiklo ng hindi kilalang tomboy.

Show comments