Suspek sa nakawan, nagbigti

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, tinangka pang isugod sa Sipocot District Hospital subalit idineklarang patay ang biktima. File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagpasyang magpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na suspek sa pagnanakaw kaysa makulong matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Fabricante St., Barangay South Centro sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur noong Martes ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Deogracias Flores, cashier ng pribadong kompanya ng cosmetics at nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, tinangka pang isugod sa Sipocot District Hospital subalit idineklarang patay ang biktima. Narekober sa biktima ang suicide note na hindi naman idinetalye ng pamilya. Lumalabas sa imbistigasyon ng pulisya, si Flores ay isa sa pinaghihinalaang nagnakaw sa pinapasukang trabaho noong Lunes.

Show comments