‘Di nagbayad ng utang, grinipuhan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang 30-anyos na drayber na sinasabing tumangging magbayad ng utang matapos itong saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Caggay, Tuguegarao City, Cagayan noong Linggo. Lumalabas sa imbestigasyon na kapwa lango sa alak ang biktimang si Nordan Invierno at suspek na si Jaysie Campos nang maningil ito ng utang kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo. Gayunman, napikon ang suspek sa pagtanggi ng biktima na bayaran ang kanyang pagkakautang kaya naganap ang pananaksak. ?Isinugod ng kanyang mga kainuman si Invierno sa Cagayan Valley Medical Center habang dinakip ng mga pulis ang suspek na tangan pa ang 7-pulgadang balisong na ginamit sa krimen.

Show comments