3 magkaanak kisay sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong magkakamag-anak ang natusta matapos makuryente habang umaani ng African hito sa isang fishpond sa Barangay Planas, Ramon, Isabela kamakalawa. ?Sinabi ni case investigator SPO1 Junelizen Maneja na aksidenteng nahawakan ni Danilo Basilio, 44, ang nakalaylay na mababang kawad ng kuryente matapos siyang umahon sa fishpond.?Nadamay si Romelito Besa, 35, sa pangingisay ni Basilio nang tangkain nitong tumulong.? Sa pag-aakalang nagpapatawa ang dalawang biktima ay pabirong nakisawsaw si Randy Besa, 44, sa yugyugan ng mga kaanak subalit nauwi sa biglaan nilang kamatayan.? Pinag-aaralan ng pulisya kung sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang may-ari ng fishpond na kamag-anak din ng mga nasawi.

Show comments