Misis grinipuhan ng mister

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya napatay ang 57-anyos na misis matapos itong pagsasaksakin ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Purok 6, Barangay Libod sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng madaling araw. Naisugod pa sa Camalig Rural Health Unit subalit idineklarang patay ang biktimang si Dolores Millena habang arestado naman ang asawang suspek na si Ruben Millena, 62, kapwa residente ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, sumiklab ang matinding pagtatalo ng mag-asawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa kanyang misis. Gayunman, tinangkang mag-suicide ng suspek nang aarestuhin ito ng mga barangay tanod subalit naagaw ng mga awtoridad ang hawak na patalim.

Show comments