Trader, anak inutas sa sabungan

BATAAN  , Philippines  — Kamatayan ang sinapit ang 58-anyos na negosyante at anak nito makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki bisinidad ng sabungan sa Barangay Balon, bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mag-ama na sina Napoleon Cauyan, dating miyembro ng Traffic Management Group sa Central Luzon; at Napoleon Christopher Cauyan y Capitulo, 21, kapwa nakatira sa Barangay Baseco sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Benjamin Silo Jr., Bataan police director, patungong sabungan ang mag-ama na may bitbit  panabong na manok nang harangin at ratratin. Nakatakas naman ang gunmen patungo sa di-nabatid na direksyon habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments