Nawawalang binatilyo ng Baguio natagpuang patay sa ilog

MANILA, Philippines — Makalipas ang anim na araw na pagkakawala, patay na nang matagpuan ang 17-anyos na senior high school student ng Baguio City.

Naaagnas na ang bangkay ni Vaughn Carl Dicang nang makita sa ilog malapit sa Balacbac Bridge.

Kinilala ng pinsang si Willner ang katawan ng nawawalang kamag-anak.

Sinabi ng kapatid ng biktima na hindi sangkot sa ilegal na droga si Dicang na Grade 12 student ng University of Baguio Science High School.

Si Dicang na ang ikatlong binatilyo na patay na nang matagpuan.

Kahapon lamang ay nakita sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ng 14-anyos na si Reynaldo de Guzman, habang sa punerarya sa Caloocan City natagpuan ang 19-anyos na si Carl Arnaiz.

Show comments