Mayor, 2 pa nirapido ng tandem

Mayor Carolyn Fariñas

OLONGAPO CITY, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si San Felipe, Zambales Mayor Carolyn Fariñas at dalawa pa nitong kasama makaraang tambangan ng riding-in-tandem assassins ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ang Mendaros Street sa nasabing bayan kahapon ng umaga. Bandang alas -7:50 ng umaga nang tambangan ang Toyota Innova ng alkalde kasama ang staff na si John Ray Ramil at driver na si Raul Rosete. Bukod sa alkalde, hindi rin nasaktan si Ramil subalit tumama sa mukha ng kanilang drayber na si Rosete ang mga nabasag na windshield ng sasakyan. Narekober naman ang motorsiklo ng gunmen sa masukal na lugar sa Barangay Sindol sa bayan ng San Felipe, ilang oras matapos ang pananambang. Ayon kay P/Senior Supt Christopher Mateo, Zambales provincial police director, sinisilip ang anggulong politika ang isa sa motibo sa pananambang.

Show comments