Magsasaka inatado ng kainuman

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong murder ang 34-anyos na magsasaka matapos nitong pagtatagain at mapatay ang kapwa magsasaka sa bayan ng Suyo, Ilocos Sur, ayon sa ulat kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ariel Tumakdang, 38, habang ang suspek ay nakilalang si Marvin Daniel, kapwa nakatira sa Barangay Urzadan sa nabanggit na bayan. Pauwi na sina Tumakdang at Daniel na kapwa mula sa pakikipag-inuman nang biglang magsalita ng masama ang biktima. Gayunman, nairita ang suspek kaya pinagtataga sa batok ang biktima hanggang sa mapatay. Lumalabas na may dati umanong alitan ang dalawa at lagi rin umanong nagtatalo tuwing magkasama sa inuman.

Show comments