Magkaibigan tiklo sa drug trade

NORTH COTABATO, Philippines - Nahaharap sa kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang magkaibigan makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang anti-drug operation sa Marville Homes Subdivision, Barangay Sto. Nino sa Koronadal City, South Cotabato kahapon. Kinilala ni Glorio Sandig, opisyal ng Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ang suspek na sina Cyrus Calixtro, 32, dating nagtuturo sa technical school sa nasabing lungsod; at si Winston Rivera, 30. Ayon kay Sandig, ang mga suspek ay sinasabing kabilang sa high-value target ng Regional Intelligence Unit (RIU) at iba pang law enforcement unit. Narekober sa magkaibigan ang dalawang plastic sachet na shabu, drug paraphernalia. At P500 marked money.

Show comments