^

Probinsiya

2 patay sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang napaslang makaraang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naglalakad ang 54-anyos na magsasakang si Enrique Lorzano nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Zone 4, Barangay Sagrada sa bayan ng Bato noong Linggo ng umaga. Samantala, napatay din ang dating rebeldeng NPA na si Virgilio Sunaz matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Neighborhood sa bayan ng Bato, Camarines Sur kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, nakatayo ang biktima malapit sa kanilang bahay nang lapitan at ratratin ng hindi kilalang lalaki. Kahit may ilang residente ang nakasaksi sa pamamaril ay walang nagawa para sumaklolo dahil sa takot na madamay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with