Ama itinumba sa birthday ng anak

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat. File

NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang 32-anyos na ama na sinasabing naghahanda sa kaarawan ng kanyang anak matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang gunmen sa Sitio San Nicolas, Barangay San Vicente sa bayan ng Makilala, North Cotabato noong Sabado ng gabi.

Tatlong tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Nestor Villaflor Sinsel, self-employed at nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, nag­luluto ng pagkain para sa ika­anim na taong kaa­rawan ng kanyang anak sa loob ng pag-aaring tindahan nang bigla na lamang dumating ang gunmen saka pinutukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang gunmen sakay sa motorsiklo at kasunod na Hi-lux pick-up.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments