Trike driver todas killer trak

CAVITE , Philippines  – Kamatayan ang sinapit ng traysikel driver habang sugatan naman ang motorcycle rider makaraang salpukin ng delivery truck na sinasabing nawalan ng preno kamakalawa ng umaga  sa  kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Sampaloc IV, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang trike driver na namatay na si Roger Nacor ng Barangay Emmanuel II sa Dasmariñas City, Cavite habang kritikal naman ang driver ng motorsiklo na si Jay Mark Asistin ng France Ville Homes Subd. sa Monaco Drive, bayan ng Silang, Cavite. Arestado at nakatakdang kasuhan ang truck driver na si Fernando Napire ng Barangay Fatima 3 sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nawalan ng preno ang trak (UNP196) ni  Napire kaya sinalpok ang dalawang sasakyan.

Show comments