6 bulagta sa anti-drug operation

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dalawa sa anim na drug suspek na napatay matapos kumasa sa inilatag ng drug operation sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Kuha ni Boy Cruz

BULACAN , Philippines  - Anim na kalalakihan na sinasabing  drug suspek ang napatay matapos itong kumasa sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya at PDEA Region-3 sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga napatay ay sina Zaldy “Tarok” De Guzman, 37; Armando Gamboa, 43, ng Brgy. San Agustin sa San Miguel; Alyas Cris, Alyas Doni habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang drug suspek.

Base sa ulat ni P/Supt. Arwin Tadeo na naisumite sa Camp Alejo Santos, si Tarok ay sumailalim sa buy-bust operation sa Barangay Tabon sa bayan ng Pulilan subalit nakatunog na mga pulis ang ka-deal kaya ito kumasa subalit naunahan siya ng mga operatiba.

Maging si Cris ay kumasa sa drug operation kaya ito napatay ng mga pulis sa Brgy. Mambog sa Malolos City.

Samantala, kumasa rin si Doni at dalawang kasab­wat sa drug trade kaya napaslang ng mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Iba sa Meycauayan City.

Narekober sa serye ng drug operation ang Limang cal.38 revolver, isang shotgun, 32 plastic sachet ng shabu, P1,000 marked mo­ney, 2 traysikel na walang plaka, at isang motorsiklo na walang plaka.

Show comments