SUV swak sa kanal: 5 kritikal
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2017 - 6:47pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Limang magkakamag-anak kabilang ang isang retiradong pulis ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa kanilang sasakyang SUV sa malalim na kanal sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Dummun, bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni P/Chief Insp. Harvey Pajarillo, hepe ng Gattaran police station ang mga biktimang ginagamot sa Dr. Tomas Nolasco Hospital na sina Pedro Daliapas, 58; Maria Daliapas, 60; Mariegrace Huyok, 25; Jessa Baya-ao, 20; at si Joseph Majit, 30.? Base sa imbestigasyon, patungo sa bayan ng Aparri ang mga biktima upang dumalo sa burol ng kanilang kaanak mula sa bayan ng Tinglayan, Kalinga nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Da­liapas kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na kanal ang kanilang sasakyan  na may plakang RDE 278.

 

SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with