Stude hulog sa Crystal Cave, patay!

MANILA, Philippines -  Nauwi sa trahedya ang  masaya sanang outing ng isang 15-anyos na estud­yante sa high school at kanyang mga kaibigan makaraang aksidenteng mahulog sa matarik na bahagi ng pamoso at dinarayong Crystal Cave sa Sagada, Mountain Province nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rael Aglolo Gambican, Grade 8 student sa Balugan National High School at residente ng Brgy. Ambasing, Sagada ng lalawigang ito.

Sa ulat ng Cordillera Police, naisipan ng biktima at ilang kaibigan na magtungo sa Crystal Cave sa Brgy. Balugan, Sagada upang maligo dito. Gayunman, dakong alas-3:30 ng hapon habang nakatayo ang biktima sa batuhan sa matarik na bahagi ng kuweba nang aksidenteng madulas.

Tuluy-tuloy siyang bumulusok sa ibaba na minalas pang unang bumagsak ang ulo nito sa matatalim na bato.

Agad namang sumaklolo ang mga tour guide at rescue team  na agad isinugod ang estudyante sa Saint Theodore’s Hospital pero idineklara ng mga manggagamot na dead-on-arrival.

Show comments