Adik dakma sa 6 bloke ng ‘damo’

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Arestado ang 28-anyos na drug adik na sumawsaw na sa Oplan Tokhang matapos itong makumpiskahan ng anim na bloke na pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Osmeña,  Ilagan City, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City  Police ang suspek na si Angelo Gonzales ng Barangay Calamagui 1st.? Ayon kay Quilang, ang mga bloke na may timbang na mahigit isang kilo bawat isa ay tinatayang may kabuuang P20,000 kada isang bloke. ?Nabatid na bago masakote ang suspek ay isinailalim sa pagmamanman dahil bumalik ito sa dating gawi na drug trade kahit sumawsaw na ito sa Tokhang noong 2016.

Show comments