10-wheeler nag-dive, nagliyab: 2 nalitson!
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2017 - 10:18pm

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Dalawa katao ang nalitson makaraang tumalon ang isang 10-wheeler truck  sa 10 talampakang riprap at binagsakan ang isang tindahan hanggang sa magliyab sa Brgy. Herera sa Ligao City, Albay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang si Ricky  Alferez, 46, driver ng trak na may plakang WHB-934, ng Brgy.Bonot-Sta Cruz, Calabanga, Camarinez Sur at Thelma  Gagarino, 45, may-ari ng nabagsakang tindahan sa lugar.

Sa ulat sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas 2:30 ng hapon, tinatahak ng trak na puno ng kargang buhangin ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela at nahulog sa 10 talampakang riprap kung saan bumagsak mismo ito sa ibabaw ng tindahan sa ibaba at saka biglang sumiklab ang apoy.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Ligao City. Gayunman,  makalipas ang isang oras, patay  na nang marekober ang dalawang sunog na biktima.

10-WHEELER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with