Photog bulagta sa pamamaril

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines -  Patay ang 49-anyos na freelance photographer matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Mabini Street, Barangay Poblacion Sais sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Faisal Mupac Kamsa, may asawa, at nakatira sa Tukananes, Barangay Poblacion Siyete sa nasabing lungsod. Sinubukan pang dalhin sa CRMC ang biktima subalit hindi na ito uma­bot pa ng buhay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaangkas sa motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin. Narekober ng mga pulis sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Show comments